Thursday, October 18, 2007

HanaKimi

I started watching Hana Kimi today. It was really funny. :) It was fun watching Asianovelas again. My last marathon was Sweet18... a year ago. Oh how I miss this. :) What I learned from watching 7 episodes is A person who can lie to himself is sad... and in pain. That quote was repeated three times through the duration of my marathon. :) Well, true true.. I believe the quote because I've felt it countless times before.

May lalapit sa'yo tas sasabihin "Crush mo yun?" Ikaw naman, biglang nag-zoom up ang pride... at sasabihin mo "Hindi ah! Yun? Ngyek!" pero deep inside.. "Shucks oo! tagal ko na ngang crush yan eh! Sana alam niyang buhay ako".

Some kada members may also ask, "Sa tingin mo ba cute siya?" Tas ikaw naman, to save pride and face, sasabihin mo "Nde" pero deep inside "Shucks oo! Wag kaung magkakacrush sa kanya ha! Akin yan.."

Hahaha! :)

Nakakatawa talaga pag inaalala ko ung mga experiences na ganyan.. experiences ko or experiences of my friends... way back nung high school...kahit college din...nakakatawa talaga... tapos maluluha ka na lang...

Kasi at the end of the day, pagkatpos mong "pagkaprotektahan" ang mukha mo at pride mo, marerealize mo na ang tanga-tanga mo sa araw na yun dahil hindi mo pinakita yung sarili mo.. yung tunay na ikaw.

Well, those were the days. Days na mas simple pa yung buhay. Sa totoo lang, tama yung sinasabi ng mga tao na its easier to run.. to hide... kasi walang mawawala sayo kung hindi mo naman ipapakita eh. Pag pinakita mo yung totoong ikaw, wala kang depensa. Mas madali kang tamaan. Kaya maraming tao, pag in-love, mas madaling paiyakin o mas madaling umiyak in general.. kasi wala na yung shield/defense. When you don't share much of yourself, its easier for you to detach instantly.

Pero lahat ng mask na suot ng tao, lahat ng pride, lahat ng pagtatago... narealize ko... ang stupid nun.

So yun... yun ang resulta ng pagbbrainstorm sa quote na sinabi sa HanaKimi. :)


No comments: