Wednesday, June 06, 2007

The Turkey Adventure

Well okay .. this entry does not necessarily have to reflect the title right?

haha!

Yesterday, I went sa may kila Beryl... I went kila Tuesday. It's kinda funny kc sobrang lapit ng house nila sa isa't-isa pero si Beryl taga-marikina tas si Tues taga-Pasig daw. Musta naman un? Good Work borders and state lines! *jawk*

We went there to make tinda fishballs. Haha! May store sila Tuesday and nag-franchise sila ng Kiss (king of balls), Big Scoop (ice cream of yellow cab and fridays), and Pinoy Pao (superstar). Musta naman. Kung sino nag-imbento nito, galore talaga! I love Filipinos' brains. Creative.

So we were there selling and bonding...

Wait lang... it's not really about the selling.

We went there kasi Beryl is going to Turkey! She has to go with her mum to visit her dad (?). My mind's in a whirl kasi bangag pa ko so please correct and connect the sense of it all. *hehe wink*

Yung mga peeps na andun ay si Tues, Charis, Be, Vin, Diann, and me. Sobrang pinakyaw namin yung tinda ni Tuesday. Astig nga eh. Kami ung parang benta peeps pero we're buying our supposed-to-be sales. Hindi ako puwede sa business. Malulugi.

So andun kami ...nag-iinuman ng ...gulaman at ini-interrogate c di sa status nila ni vin.

Mega love life ang topic.

Pero sa totoo lang, naging-open lang siya nung andun na kami kila Tuesday. Hinatid nga pala c Diann kila Tues ni vin via motor niya. *inggit inggit*

Well, what I learned is that... sometimes... mas maganda kung aaminin mo lang ang isang bagay sa tao kung talagang sure ka nang siya na. May mga hirit kasi na nag-aminan na na like nila ang isa' isa pero "hindi ko pa siya mahal". Parang musta naman un?! Kung di mo mahal, wag mo na sabihin kasi baka walang paroonan - edi nasaktan lang kau at umasa. Pero kung mahal mo, mas may 'k' kang magsabi tapos from there, you could try working it out with the person concerned- mahal ka rin ba niya? magiging gg mo na ba now na? o mag-wait muna? yung ganon. Kaya na ba? Totoo ba nararamdaman mo? Yung ganong effect. So far, she cannot guarantee to give 100% trust too. Musta naman din un?!? If you can't trust him.. well, he has to earn the trust but if he can't, malas. Haha! I dunno. The relationship can't work out without trust. I have this big fat feeling na masyadong nafafast track and isang relasyong hindi pa handa. Parang premature baby na pinipilit iiri. Yak morbid!

*We were talking about Fabella kagabi. nag-share ako. nag-freak out sila.*

So the point is, wag madaliin unless worth it na talaga siyang ipaglaban at matagal na siyang nandyan (aka years) at sure ka na sa pinag-darasal at nararamdaman mo - yung serious dito means nakikita mo siya, hindi lang gg kundi husband/wife ha. Ganun ka-seryoso at please wag nyo ko pagtawanan. yun na un.

Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it isn't proud. It's not rude or selfish. It does not take offense and keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth and the good. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. 1 Cor 13:4-7


2 comments:

coppergirl said...

mwahaha! insights on Fabella. haha!

ThinGirlWithGlasses said...

yes..the blood and gore came alive that night...