Thursday, April 12, 2007

When I thought that was the end...

Have you ever thought of experiences na walang kwenta?

Yung mapapatanong ka na lang..."Lord, bakit kelangan pa mangyari 'to? Wala siyang worth."

Meron akong major experience na ganyan. Yung parang kung meron man akong matututunan, eh natutunan ko na so why repeat the agony? Pinagninilayan ko siya kagabi.

Paulit-ulit.

Para akong trumpo. Grr. Kahilo.

As I was trying to remember the sequence of events, may kwenta pala. I wouldn't be me. Sounds too obvious pero I wouldn't be the me ME. I wouldn't be thinking this way. Kung hindi ako naka-experience ng ganoong mga experiences, siguro nag-yoyosi na ko ngayon! Haha!

Wala lang.

Ngayon ko lang naisip na ung ultimong mundane things na ginagawa ko may purpose din pala. We often take life for granted na ung minsan ung mga bagay na maliliit ay hindi na pinakahahalagahan ng tao. Pero may kwenta pala. Tas naisip ko na hanggang ngayon, ang laki ng impact sa akin nung experience na yun. Hindi ko xa makalimutan.

The experience most definitely humbled me a lot at pag mayabang na ko, binabalik nya ko sa kung saan man dapat ako nakatayo. I'm happy for that painful yet thought altering experience.

1 comment:

Anonymous said...

'everything that happens has a spiritual significance." --> nakalimutan ko kung sinu nagsabi, si rick warren ba?? hehhhee